Ito ay kanta na mensahe at sana′y mamulat
Silang mga tamad na hindi marunong mag-unat
Magbanat ng Bato, Bagkus ay nakaupo
At kapalaran ay inaasa lamang sa lotto
Marami ng pilipino ang dumadaing sa hirap
Ang pangarap daw ay di nila mahanap
Paano mahahanap kung 'di marunong magsikap
At sa telebisyon ay ′lagi kang nakatapat
Para kang si Juan tamad nag-aantay na malaglag
Ang bunga ng bayabas habang nakahiga sa lapag
Subukan mo na akyatin ang puno upang malasap
Pag iyong pinaghirapan ay tunay na masarap
Di naman sa nakikialam ako sa buhay mo
Baka sakali lang na baka pwede pang mabago
Tumayo ka dyan sa kama at subukan mong maligo
Bakit mo pinapairal ang iyong katamaran
Nakaupo ka d'yan nakatambay sa lansangan
Damang-dama na ng karamihan ang kahirapan
Batugan Bumibigat ang katawan at parang gusto pang matulog
Pagkagising ay kakain ni hindi pa nagmumumog
Anak hugasan ang pinggan pagkatapos mong kumain
'Yan ang utos ng magulang mo ayaw mong gawin
Ba′t mo nga ba gagawin kung tinatamad ka
At ang iyong mga ka-tropa inaantay ka na
Ambagan na ng bente pambili ng isang bote
Kahit anong alak makatagay man lang pare
Ang sarap naman ng buhay ng katulad mo
Hanggang D′yan na lamang ba
Wala bang balak magtrabaho
Isa 'yan sa mga lumalaro sa utak kong tanong
May sasabihin lang ako at pakinggang mabuto
Kung tatamaan ka kaibigan ko, pasintabi
Bakit mo pinapairal ang iyong katamaran
Nakaupo ka d'yan nakatambay sa lansangan
Damang-dama na ng karamihan ang kahirapan
Batugan Hay naku ang sarap naman ng buhay ng katulad mo
Tapos tatambay ka sa kanto
Bibili ng sigarilyo at sisindihan mo
Hihimasin mo pa yung t′yan mo
Makikipag-kwentuhan ka sa barkada mo
Tapos ang pamilya mo, nahihirapan na sa'yo
Sana mawakasan na ang pagiging isang dakilang tamad